Nilagdaan na ni Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Silvestre Bello III ang ‘COVID-19 Adjustment Program’.
Ang programang ito ay naglalayong magbigay ng 5,000 piso sa mga emplyeadong apektado ng ipinatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ayon kay DOLE Asec. Dominique Rubia-Tutay, pwedeng magpadala ng aplikasyon ang lahat ng emplayedo ng apektadong kumpanya sa anumang oras.
Maaaring lang, aniyang, mag-apply ang mga affected establishment o employers sa mga DOLE regional, provincial at field office.
Ang programa ay para lang sa mga manggagawa sa mga pribadong sektor, kailangan lang magpasa ng employer ng establishment report at company payroll na magpapatunay na apektado ng COVID-19 ang kanilang kumpanya.
Facebook Comments