COVID-19 alert level system, nais ng DOH na matulad na lamang sa pagbibigay ng Tropical Cyclone Advisory ng PAGASA

Inirekomenda ng Department of Health na Inter-Agency Task Force (IATF) na itulad na lamang sa mga inilalabas na babala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang COVID-19 alert level system sa bansa.

Ayon kay Health Officer in Charge Maria Rosario Vergeire, nais nilang mahiwalay ang pagpapatupad ng restrictions sa inilalabas na alert system upang hindi malito ang publiko.

Sa rekomendasyon ng DOH sa IATF, wala ng kaakibat na paghihigpit sa isang lugar na idedeklarang high risk, depende sa dami ng kaso at naoospital.


Sa pamamagitan din nito, malalaman na rin ng publiko kung anu-ano ang mga kinakailangan nilang gawin upang maproteksyonan ang sarili laban sa virus.

Kapareho aniya ito sa mga babala ng bagyo ng PAGASA na mayroon lamang na kaakibat na paalala at rekomendasyon.

Facebook Comments