COVID-19 allowance ng mga health worker, posibleng maibigay na bago mag-Pasko – DOH

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na posibleng matanggap na ng mga healthcare workers ang kanilang COVID-19 allowance sa December.

Sinabi ni DOH Officer-in-Charge (OIC) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mabibigay na ang Health Emergency Allowance (HEA) bago mag-Pasko o December 25.

Ito ang aniya upang maging masaya ang Pasko ng mga healthcare worker.


Dagdag pa ni Vergeire, nagpadala na sila ng liham sa Department of Budget and Management (DBM) na humihiling ng karagdagang P27 billion para sa HEA na sasalo sa mga nalalabing buwan na hindi naibigay na COVID-19 allowance.

Nakikipag-ugnayan na rin aniya ang DOH sa DBM para sa pag-release ng pondo.

Matatandaang, nitong Oktubre ngayong taon ay aabot pa lamang sa P11.5 billion ang natanggap ng DOH para sa allowance ng mahigit 1.6 milyong healthcare workers simula Enero hanggang Hunyo.

Facebook Comments