COVID-19 ang pinakamalaking hamon sa MMDA, ayon kay Chairman Abalos

Inihayag ni Chairman Abenhur Abalos ang bagong kalihim ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ang issue sa COVID-19 ang pinakamalaking hamon na kinakaharap ngayon ng ahensya.

Kaya naman sinabi nito na sa unang araw na pagsabak niya bilang kalihim ng MMDA, tututukan niya ang pagtulong sa nasyonal at lokal na pamahalaan kaugnay sa COVID-19.

Dahil sa ngayon aniya ay manageable na ang daloy ng trapiko sa Metro Manila, partikular na sa kahabaan ng EDSA.


Aniya, nakatakda na siyang makipagpulong sa lahat ng mga alkalde ng Metro Manila upang pagusapan ang kanilang mga bagong hakbang laban sa COVID-19, lalong lalo na aniya na may bakuna na paparating sa bansa.

Kasabay nito nanawagan din siya sa publiko na makiisa at tumulong sa paglaban sa nakakamatay na virus.

Facebook Comments