Kaunti na lamang ang mga COVID-19 testing backlogs ayon sa Department of Health (DOH).
Sa presscon sa Malakanyang, sinabi ni DOH Bureau of Epidemiology Dr. Althea de Guzman na ang maliit na backlogs na ito ay hindi na makakaapekto sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa.
Sinabi pa ni Dr. De Guzman na isa hanggang sampu na lamang ang COVID-19 backlogs sa ngayon.
Dahil dito, nakatitiyak si Dr. De Guzman na walang epekto sa pagbaba ng COVID-19 cases ang backlogs na mula sa ilang mga laboratoryo.
Kamakailan ay nagka-COVID testing backlogs dahil na rin sa technical issues.
Facebook Comments