COVID-19 BED CAPACITY NG ILOCOS REGION, NASA ‘MODERATE RISK’ LEVEL NA

Aminado ang Department of Health-Center for Health Development 1 na tumataas ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa Region 1.

Dahil dito nasa Moderate Risk Level na ang Bed Capacity ng rehiyon para sa mga COVID-19 patient o katumbas ng 63% ang okupado. 70% dito ang bed capacity ng Ilocos Norte na mayroong surge ng sakit, 67% sa La Union, 64% sa Pangasinan at 50% sa probinsya ng Ilocos Sur.

Ayon kay Dr. Rheuel Bobis, tagapagsalita ng DOH-CHD1, patuloy ang kanilang pakikipag ugnayan sa mga LGUs na magsagawa ng istriktong border checkpoint at koordinasyon sa mga pribado at pampublikong hospital na dagdagan pa ang kanilang mga hospital beds para sa mga COVID-19 patient.


Aniya, ginagawa ng kagawaran ang lahat upang makontrol ang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon kasabay din ng pag apela nito sa publiko na paigtingin pa ang pagsunod sa mga health protocols na inilatag ng kanilang opisina.

Sa ngayon, ang rehiyon ay mayroon ng anim na kaso mg Delta Variant, lima dito ay sa Ilocos Norte at isa sa lalawigan ng Pangasinan.

Facebook Comments