Inihayag ng pamahalaang lungsod ng Makati na nasa 84% pa ang kanilang bed capacity para sa mga pasyente ng COVID-19.
Ayon kay Atty. Don Camiña, Makati City Legal Officer at Spokesperson ng Makati City Government ang 84% bed capacity ay para na sa buong lungsod.
Pero giit nito na kung sakaling kulang na ng bed capacity ang lungsod dahil sa muling pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, magdagdag sila ng pasilidad na pwedeng buksan.
Dagdag pa niya, may hangganan ang bilang ng pasilidad, manpower at resources at ito ang sitwasyon ng ngayon ng lahat ng local governments.
Kaya naman aniya importante na mag-ingat at sumunod sa mga alituntunin ng lungsod tulad ng pagsuot ng face mask at face shield kapag nasa labas ng bahay, dumistansya sa ibang tao, at laging mag-sanitize.
Pakiusap niya sa publiko na hangga’t maaari, iwasan muna ang paglabas sa ating bahay upang maging ligtas.