Naabot na ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) ngayong araw ang full capacity ng mga higaan na nakalaan para sa COVID-19 patients.
Sa isang abiso, sinabi ng NKTI na sa kabila ng kanilang pagsisikap na matiyak ang kaligtasan ng kanilang empleyado, mataas pa rin ang naitatalang bilang ng mga healthcare workers na nagka-impeksyon sa loob ng dalawang linggo.
Partikular sa mga ito ang kanilang mga frontline personnel.
Apela ng NKTI sa publiko, dalhin na lang sa ibang healthcare facilities ang mga critically ill, probable o suspected COVID-19 patients para matugunan ang pangangailangan medikal ng mga pasyente.
Patuloy namang tatanggap ang NKTI ng mga renal emergency cases at post kidney transplant cases.
Isasailalim din sa decontamination ang NKTI building bilang pag-iingat.