COVID-19 bed occupancy ng Ospital ng Sta. Ana Manila, nasa kritikal level na

Umabot na sa kritikal level ang COVID-19 bed occupancy ng Sta. Ana Hospital ng Maynila matapos maokupa ang 90% na mga kama nito para sa mga pasyente na tinamaan ng virus.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH), as of March 19, nasa 63 mula sa 70 kama ng Sta. Ana Hospital para COVID-19 patients ang okupado na.

Habang isa mula sa anim na Intensive Care Unit (ICU) COVID-19 beds na lang ng nasabing ospital ang bakante, ibig sabihin 83.3% na ang okupado.


Nasa 58 na rin o 90.63% ang occupied sa 64 isolation beds nito at 44.4% o apat sa siyam na mechanical ventilators sa ospital ang gamit na.

Facebook Comments