Nasa safe level na ang COVID-19 bed occupancy rate ang buong bansa.
Ayon kay Department of Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire, sa ngayon ay 56.43% na lamang bed occupancy rate sa bansa mula sa 64% na naitala noong mga nakaraang linggo.
Nakitaan din ng bahagyang pagbaba ang occupancy rate ng Intensive Care Unit (ICU) beds sa 70.43 % mula sa moderate risk level na 73%.
Sa kabila nito, nananatiling nasa high risk ng COVID-19 ang mga lugar sa Cordillera, Zamboanga peninsula at Cagayan Valley.
Habang nasa ilalim din ng high risk ang ICU bed occupancy rate sa walang rehiyon sa bansa kabilang ang CARAGA, Region 4B, 12, 5, 4A, 11, 3 at BARMM
Facebook Comments