Nananatiling mababa ang COVID-19 hospitalization rate sa Metro Manila gayundin ang natatanggap na tawag ng One Hospital Command Center (OHCC).
Ayon kay OHCC Head at Health Usec. Leopoldo Vega, nasa 19% hanggang 20% ang occupancy ng Intensive Care Units (ICU) sa rehiyon habang bumababa rin ang natatanggap na COVID related calls ng OHCC.
Sa kasalukuyan, ang occupancy rate ng COVID-19 ward beds sa buong bansa ay nasa 18.4% habang 25.7% naman ang ICU occupancy rate.
Matatandaang naitala ng Department of Health (DOH) ang pinakamataas na severe at critical cases noong July hanggang December 2021 dahil sa Delta variant.
Samantala, sinabi naman ni Vega na tumatanggap din ng non-COVID calls ang OHCC lalo na’t nagbubukas ang elective surgery at outpatient department sa ilang mga ospital.