COVID-19 bed occupancy sa NCR posibleng sumampa sa 80-porsyento sa unang linggo ng Abril – OCTA Research

Nanawagan ang OCTA Research Group sa national government na magpatupad ng epektibo at mahigpit na patakaran para makontrol ang pagkalat ng COVID-19 at maiwasang bumigay ang healthcare system ng bansa.

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, importanteng nasusunod ang minimum health standards at limitahan ang publiko sa kanilang galaw upang mapigilan ang surge ng kaso.

Aniya, maaaring umabot sa “critical level” ang hospital at Intensive Care Unit (ICU) beds sa Metro Manila sa katapusan ng Marso hanggang sa umabot ito sa 80-porsyentong occupancy pagsapit ng Abril.


Sa ngayon, masyado pang maaga aniya para sabihin na nagbabago na ang trend ng mga kaso.

Malalaman sa susunod na linggo kung nagkaroon ng impact ang mga ipinatupad ng restrictions sa local level.

Facebook Comments