COVID-19 beds sa mga ospital at facility ng lungsod ng San Juan, paubos na

Inihayag ni Dr. Rosalie Sto. Domingo, San Juan City Health Officer na 91.4 % na ang bed occupancy sa Kalinga Center, isang quarantine facility ng lungsod.

Aniya, sa 105 na bed capacity, 96 nito ay occupied na, kung saan mga asymptomatic ang mga naka-confine at walang mga critical cases.

Habang ang San Juan Medical Center naman, 44 na bes capacity nito, 26 ay occupied na o katumbas ng 59.1%.


Ang San Juan National High School na ginagamit bilang extension ng San Juan Medical Center at Kalinga Center ay mayroong 11 beds pero occupied na ang apat nito.

Paliwanag ni Sto. Domingo ito ay resulta ng muling pagsirit ng COVID-19 sa lungsod, mula sa 40 active cases, bilang tumaas ito sa mahigit 200 simula sa kalahitnaan ng Pebrero hanggang sa pagpasok ng Marso.

Samantala, isang health worker ng Kalinga Center ang tinamaan ng nasabing sakit at walo sa City Health Office.

Facebook Comments