Sinisilip na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na i-adjust ang case rate para sa kanilang COVID-19 benefit package.
Ayon kay PhilHealth Spokesperson Shirley Domingo, magpapatupad sila ng bagong in-patient package para sa COVID-19.
“Inaaral na po iyon ng PhilHealth, mayroon na tayong pag-aaral doon, in fact mayroon ng recommendation doon,” sabi ni Domingo.
Sa ngayon, ang PhilHealth benefit package para sa COVID-19 patients ay ₱43,997 para sa mild pneumonia, ₱143,267 para sa moderate pneumonia, ₱333,519 para sa severe pneumonia, at ₱786,384 para sa critical pneumonia.
Samantala, ang PhilHealth ay nakapagbayad na sa iba’t ibang healthcare facilities na nagkakahalaga ng ₱36 billion para sa COVID-19 benefit package.
Facebook Comments