COVID-19 bilang “pandemic of the unvaccinated”, muling ibinabala ng isang health expert

Dapat na paigtingin pa ng pamahalaan ang panghihikayat sa publiko na magpabakuna.

Ayon kay Dr. Tony Leachon, health expert at dating special adviser ng National Task Force Against COVID-19, bagama’t mababa na ang kaso ng COVID-19 sa bansa ay tumataas naman ang bilang ng mga tinatamaan ng moderate at severe cases nito.

Kapansin-pansin din na marami ang namamatay dahil sa sakit na sa tingin niya ay mga senior citizen at may comorbidity na hindi pa nababakunahan.


Kaya babala ni Leachon, posibleng mauwi sa pandemya ng mga hindi bakunado ang COVID-19.

Naniniwala naman si Leachon na malaki ang maitutulong ng mga iconic figures gaya ng matataas na opisyal ng gobyerno, mga artista at olympic medalists para mahikayat ang iba na magpabakuna.

Mahalaga rin aniya ang papel ng mga magulang sa pagpapabakuna ng kanilang mga anak.

Pero bukod sa pang-e-engganyo, iginiit ni Leachon na dapat ding buhusan ng pamahalaan ng bakuna ang mga lugar na may pinakamababang vaccination rate.

Facebook Comments