COVID-19 booster ng Moderna, mas epektibo kontra Omicron subvariants

Mas epektibo ang bagong COVID-19 booster ng Moderna kontra sa mga subvariant ng Omicron batay sa isinagawang pag-aaral ng kompanya.

Nauna nang inanunsyo ng US biotech company na ang “bivalent” vaccine, na tumatarget sa orihinal na COVID strain at Omicron BA.1, ay mas epektibo kumpara sa orihinal nitong bakuna na Spikevax.

Sa resulta rin ng clinical trial, mataas ang infection-blocking antibodies ng bivalent booster ng Moderna laban sa BA.4 at BA.5.


Agad namang isusumite ng Moderna ang mga datos sa regulators at paghahandaan ang supply ng next generation bivalent booster sa Agosto bago pa ang muling pagtaas ng SARS-CoV-2 infections dahil sa Omicron subvariants.

Facebook Comments