Nilinaw ng Malacañang na wala pang pinal na desisyon ang pamahalaan para sa COVID-19 booster shot ng healthcare workers.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, patuloy pang pinag-aaralan ng Inter-Agency Task Force ang rekomendasyon ng Vaccine Expert Panel (VEP) na bigyan ng booster ang health workers.
Maliban sa IATF, kailangan ding aprubahan ang booster shot para sa healthcare workers ng All Expert Group (AEG).
Ang AEG ang grupong nag-aaral sa kaligtasan at efficacy ng bakuna kontra COVID-19 at umaalalay rin sa pagpapatupad ng immunization program sa bansa.
Facebook Comments