COVID-19 booster shots, labag sa polisiya – Duque

Iginiit ni Health Secretary Francisco Duque III na labag sa polisiya ng gobyerno ang pagkakaroon ng booster shots para sa COVID-19 vaccines.

Ayon kay Duque, wala pang rekomendasyon mula sa Vaccine Expert Panel (VEP) ng bansa ang pagkakaroon ng booster shot.

Aniya, kailangang mapataas pa sa 90 hanggang 95 percent ang vaccination coverage ng mga health workers, senior citizens at mga mayroong comorbidities.


Sabi pa ni Duque, kahit pa bumili ng mga sariling bakuna ang pribadong sektor at lokal na pamahalaan, kailangan pa ring masunod ang mga polisiya sa ilalim ng tripartite agreement.

Facebook Comments