COVID-19 booster shots para sa mga menor de edad, dapat paghandaan na ng mga paaralan at LGUs

Pinaghahanda na ni Committee on Basic Education Chairman Senador Win Gatchalian ang mga paaralan at mga lokal na pamahalaan para sa pagbibigay ng COVID-19 vaccine booster shots sa mga menor de edad o 12 hanggang 17 taong gulang.

Sinabi ito ni Gatchalian, matapos aprubahan ng Department of Health (DOH) ang paggamit sa Pfizer-BioNTech vaccine bilang booster dose sa naturang age group.

Ayon kay Gatchalian, dagdag proteksyon ang booster shots sa mga menor de edad, lalo na’t pinaghahandaan na ng Department of Education (DepEd) ang ganap na pagbabalik ng face-to-face classes.


Binigyang diin din ni Gatchalian na kailangang protektahan ang mga kabataan, lalo na’t may nakikitang pagtaas ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa buong bansa.

Dagdag pa ni Gatchalian, mahalaga ang aktibong pakikilahok ng mga paaralan sa pagbabakuna ng mga menor de edad kontra COVID-19.

Ito ay upang mapadali ang pagtukoy at pag-monitor sa mga mag-aaral na maaari nang makatanggap ng bakuna, kabilang ang booster shots.

Facebook Comments