Ikinumpara ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa tseke na walang pondo ang inilaang ₱72.5 billion para sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19.
Ayon kay Drilon, ito ay dahil hanggang ngayong ay unprogrammed o walang pa ring siguradong pagkukunan ang ₱70 billion sa nabanggit na budget.
Sa ilalim kasi ng 2021 national budget ay ang ₱2.5 billion lang ang garantisado para pambili ng COVID=19 vaccine.
Dahil dito ay nababahala si Drilon na hindi matupad ang target na mabakunahan ang 60 million mga Pilipino sa susunod na taon.
Una ng iminungkahi ni Drilon na gamitin pambili ng COVID-19 vaccine ang ₱33 billion na nakatenga sa Philippine International Trading Center (PITC).
Facebook Comments