Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na bumababa na ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.
Ayon sa DOH, maging ang ICU admissions sa severe at critical cases sa National Capital Region (NCR) ay bumababa na rin.
Gayunman, nananatili aniya ang pagtaas ng kaso ng infection sa plus areas o sa mga karatig na lugar ng kalakhang Maynila.
Bunga nito, muling umapela ang DOH sa publiko lalo na sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak at magpaturok ng booster shots.
Ayon kay Health OIC Maria Rosario Vergeire, ang bakuna pa rin ang pinakamabisang sandata para tuluyan nang mapahina ang COVID-19.
Facebook Comments