Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na magiging lingguhan na lamang ang paglalabas ng COVID-19 case bulletin simula sa Marso 7.
Ayon kay DOH Usec. Maria Rosario Vergeire, ito ay upang mas matutukan ng ahensya ang mga severe at critical cases gayundin ang intensive care unit (ICU) utilization.
Aniya, mananatili pa rin naman sa ngayon ang public COVID-19 tracker ngunit magiging lingguhan na rin ang pagpapalabas nito sa mga susunod na araw tulad ng COVID-19 bulletin case.
Dagdag pa ni Vergeire na layunin nitong alisin sa isipan ng publiko na numero ang dapat pagtuunan ng pansin sa halip na kritikal na epekto at casualties ng virus.
Samantala, sinabi rin ni Vergeire na dapat hintayin muna ang guidelines bago ibalik sa dating operasyon ang mga laboratoryo sa bansa dahil mayroong mga laboratoryo ang ni-repurpose lamang ng pamahalaan upang tumutok sa testing ng COVID-19.