COVID-19 case fatality rate, nananatiling mas mababa sa 2% ayon sa DOH

Wala pa sa 2 percent ang case fatality rate o ang bilang ng mga nasasawi dahil sa COVID-19 sa bansa.

Ito ang kinumpirma ni Health Secretary Maria Rosario Vergeire sa kabila ng tumataas na kaso ng COVID-19 at presensya ng mas nakakahawang Delta variant.

Pero, giit ni Vergeire, kapansin-pansin na may pagtaas sa bilang ng nasasawi sa ilang partikular na lugar sa bansa.


Ibig sabihin, tumataas din ang bilang ng mga severe at critical cases sa mga lugar na ito.

Dahil dito, patuloy na kinakalampag ng DOH ang mga lokal na pamahalaan na mas paigitingin pa ang pagpapatupad ng minimum health protocols sa kanilang lugar.

Facebook Comments