Bumagal ang pagtaas ng COVID-19 case batay sa datos ng OCTA Research Group.
Sa Twitter post ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David, nakapagtala ang National Capital Region (NCR) ng average na 5,710 daily case mula Setyembre 10 hanggang 16 o pagtaas na 3% noong nakaraang linggo.
Habang umabot sa 5,846 ang bagong na-infect noong Setyembre 16 na may kabuuang aktibong kaso na 50,074.
Sinabi naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na posibleng maglaro sa 16,000 hanggang 43,000 ang maitatalang kaso ng COVID kada araw sa Metro Manila sa katapusan ng Setyembre.
Ito ay kung ibabatay sa mobility, public health system at pagsunod sa minimum health standards ng mga tao.
Facebook Comments