Pumalo na sa 404,713 ang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos madagdagan ng 1,902 ngayong araw.
Sa nasabing bilang, 34,058 o 8.4% dito ang COVID-19 active cases.
Nasa 506 ang mga gumaling sa virus na pumalo na sa 362,903 recoveries o 89.7 percent.
Nadagdagan naman ng 31 ang mga nasawi kaya’t umabot na sa 7,752 o 1.92% ang death toll sa bansa.
Pinakamaraming kasong naitala ay mula sa Cavite na may 122, Davao City na may 113, Quezon City na may 84, Bulacan na may 81, at Lungsod ng Maynila na may 78 confirmed infections.
Sa ngayon nasa 83.9% ang mild cases, 9.4% ang asymptomatic, habang ang nasa kritikal ang kondisyon ay nasa 4.3% at ang severe cases ay 2.3%
Samantala, nakapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng walo na mga Pinoy sa abroad na tinamaan ng virus.
Dahil dito, umabot na sa 11,519 ang total cases ng COVID-19 sa overseas Filipino habang nanatili sa 7,461 ang mga gumaling.
Dalawa naman ang nadagdag sa mga nasawi na umabot na sa 830.