Umabot na sa 85 ang tinamaan ng COVID-19 sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ayon kay House Secretary-General Atty. Jose Luis Montales, dalawang kawani ng Kamara ang nadagdag sa bilang ng mga naimpeksyon.
Pinakahuli sa nadagdag na kaso ay isang empleyado mula sa Administrative Department na huling pumasok noong September 1, 2020.
Ikalawa naman sa naitalang kaso ngayong araw ay isang babaeng kawani mula sa Payroll Group, Accounting Service na huling pumasok sa trabaho noong September 21, 2020.
Agad aniyang nagpa-COVID-19 test ang mga ito matapos makaramdam ng pananakit ng katawan, sore throat, pagkawala ng panlasa sa pagkain at pang-amoy.
Nagsasagawa na ngayon ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga ito.
Sa kasalukuyan ay mayroong 15 aktibong kaso ng COVID-19 sa Kamara.