COVID-19 case surge, nagsisimula na; health system capacity ng bansa, posibleng pumalo sa 80% utilization

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) at OCTA Research team na nagsisimula na ang pagsipa ng COVID-19 cases sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, posibleng mahigitan pa ng Pilipinas ang bilang ng naitalang kaso sa Estados Unidos at Canada matapos ang selebrasyon ng Thanksgiving.

Aniya, ang inaasahang pagtaas ng kaso ngayong holiday season ay posibleng makaapekto sa health system capacity sa bansa na posibleng tumaas ng 80% utilization sa katapusan ng Enero ng susunod na taon.


Sinabi naman ni Dr. David Guido ng OCTA na maituturing na critical ang inaasahang 4,000 kada araw na maitatalang kaso sa bansa.

Maliban sa National Capital Region (NCR), tumaas din ang kaso ng COVID-19 sa CALABARZON, Davao Region at Cordillera Administrative Region (CAR).

Mula naman sa negative ay naging positive growth na ang kaso sa NCR, CAR, Region 1 at Region 2.

Tumaas din ang average daily attack rate (ADAR) ng NCR sa 2.71.

Facebook Comments