COVID-19 cases ngayong araw, posibleng nasa 100 lang – OCTA

Posibleng pumalo ngayong araw sa isang daan hanggang 150 ang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, sa ngayon ay nasa 1.8 percent na lang ang nationwide positivity rate o bilang ng mga nagpopositibo sa virus.

Kahapon, naitala ang 156 na panibagong kaso ng COVID-19 kung saan 179 ang gumaling habang labing apat ang bagong binawian ng buhay.


Nangunguna pa rin ang Metro Manila sa may mataas na kaso na nasa 53 cases, sinundan ito ng Davao del Sur, Cavite, Bulacan, Iloilo, Agusan del Norte, Cebu, Laguna at Nueva Vizcaya.

Facebook Comments