Nadagdagan pa ng 1,233 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ayon kay Dr. Beverly Lorraine Ho, Department of Health (DOH) Director for Health Promotion and Communication Service, umabot na sa 52,914 ang confirmed cases ng COVID-19 sa bansa kung saan 38,324 ay aktibong kaso.
Sa bagong mga kaso, 848 ang “fresh cases”, habang 385 naman ang “late cases.”
42 ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi na umabot na sa 1,360.
Nasa 13,230 naman ang mga gumaling sa sakit matapos madagdagan ng 286.
Samantala, 11 bagong kaso ang naitala ngayong araw sa mga Pilipino abroad na nagpositibo sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 8,803 ang mga overseas Filipino ang tinamaan ng virus mula sa 64 na mga bansa at rehiyon.
5,265 naman ang mga naka-recover habang 594 ang mga pumanaw.