Posibleng umabot sa 20,000 daily cases ng COVID-19 ang maitala sa Pilipinas sa susunod na buwan kung hindi mapipigilan ang surge ng mga kaso.
Ayon kay OCTA Research Group Fellow Dr. Guido David, ang bagong projection ay batay sa kasalukuyang reproduction number ng bansa na nasa 1.9.
Ang reproduction number ay isa sa mga indikasyon ng patuloy na viral transmission.
Pero sinabi ni David na maiiwasan ito kapag patuloy na ipinatupad ng national government at local government units ang minimum health protocols, localized lockdowns at curfew hours.
Bukod dito, pasok sa top 15 areas na mayroong ‘significant’ upward trend ng bagong COVID-19 cases ang 12 siyudad sa Metro Manila.
Kabilang na rito ang Quezon City, Manila, Pasay, Makati, Parañaque, Taguig, Caloocan, Pasig, Malabon, Valenzuela, Marikina, at Navotas.
Kukumpleto sa listahan ang mga siyudad ng Cebu, Mandaue, at Lapu-Lapu sa Cebu province.