Pumalo na sa mahigit 13,000 ang naitalang COVID-19 cases sa bansa.
Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Rosario Vergeire, nakapagtala sila ang 279 na panibagong mga kaso na umabot na sa 13, 221.
Sa nasabing bilang, 9,447 rito ang active cases.
Pinakamadaming naitalang bagong kaso sa National Capital Region (NCR) na may 150 o 54 pecent.
Mayroon naman ang Region 7 ng 14 o 5 percent new cases habang 115 o 41 percent ay mula sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Lima naman ang nadagdag sa mga nasawi na sumampa na sa 842.
Nadagdagan naman ng 89 ang mga gumagaling sa sakit na umakyat na sa 2,932.
Facebook Comments