COVID-19 cases sa bansa, mahigit 15,000 na

67

Pumalo na sa mahigit 15,000 ang mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sumampa na sa 15,049 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa matapos na makapagtala ng 380 panibagong kaso ngayong araw.


Sa nasabing bilang, 10,639 rito ang aktibong kaso.

Labing walo (18) naman ang nadagdag sa mga nasawi na umabot na sa 904.

Umakyat naman sa 3,506 ang mga gumaling sa sakit matapos madagdagan ng 94 new recoveries.

Samantala, 29 na Pinoy sa abroad ang panibagong tinamaan sa virus dahilan para sumampa sa 2,664 ang kabuuang bilang nito.

Dalawampu’t lima (25) naman ang new recoveries na umabot na sa 930 habang anim ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi na umabot na sa 334.




Facebook Comments