Umakyat na sa 413,430 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay matapos madagdagan ng 1,337 na bagong kaso.
30,493 naman ang aktibong kaso o katumbas ng 7.4%.
286 naman ang bagong gumaling kaya ang total recoveries na ay 374,939 o 90.7%.
41 naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths na ay 7,998 o 1.93%.
Samantala, walang naitala ang Department of Foreign Affairs (DFA) na bagong kaso at wala ring panibagong Pinoy na binawian ng buhay sa abroad dahil sa COVID-19.
Bunga nito, nananatili ang total deaths sa 833 habang nananatili rin ang total COVID cases sa hanay ng overseas Filipinos sa 11,545.
Ang aktibong kaso naman ay 3,242.
2 Pinoy naman ang bagong gumaling kaya ang total recoveries na ay 7,470.
Facebook Comments