COVID-19 cases sa bansa, nadagdagan ng panibagong mahigit 1,000

1,156 ang bagong COVID-19 cases sa bansa na naitala ng Department of Health (DOH).

Bunga nito, umaabot na sa 452,988 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa nasabing bilang, ang aktibong kaso ay 24,873 o 5.5%.


425 naman ang bagong gumaling sa virus kaya ang total recoveries na ay 419,282 o 92.6%.

21 naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths na ay 8,833 o 1.95%.

Nangunguna pa rin ang Davao City sa may pinakamaraming bagong kaso, sumunod ang Quezon City, Rizal, Bulacan at Manila.

Facebook Comments