Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 205 na panibagong kaso ng COVID-19.
Dahil dito, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, umabot sa 12,718 ang kaso COVID-19 cases sa bansa.
Nangunguna pa rin ang National Capital Region (NCR) na may pinakamaraming kaso na umabot na sa 145 o 83 porsyento.
Sinundan ito ng Region 7 na may 8 kaso o isang porsyento habang ang nalalabing 52 kaso o 16 porsyento ay mula sa ibat ibang lugar sa bansa.
Pito naman ang nadagdag sa mga nasawi na umakyat na sa 831.
Patuloy naman ang pagtaas ng bilang ng mga gumagaling na nadagdagan ng 94 recoveries at ngayon ay nasa 2,729 na.
Facebook Comments