COVID-19 cases sa bansa, pumalo na sa mahigit 26,000; 298 record high recoveries, naitala ngayong araw

Pumalo na sa 26, 420 ang bilang ng COVID-19 cases sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosairo Vergeire, ito’y matapos madagdag sa bilang ang 490 na bagong kaso.

348 rito ay fresh cases habang 142 ay late cases.


Sampu (10) naman ang nadagdag sa mga nasawi na sumampa na sa 1,098.

Naitala rin ng DOH ngayong araw ang 298 record high recoveries na umabot na sa 6,252.

Samantala, umakyat pa sa 5,566 ang bilang ng mga Pilipino sa abroad na tinamaan ng COVID-19.

Nasa 2,497 naman ang mga gumaling na sa sakit habang umabot sa 426 ang mga nasawi dahil sa virus.

Facebook Comments