Nadagdagan pa ng tatlong panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Dahil dito, pumalo na sa 52 ang kabuuang bilang ng positibong kaso ng COVID sa bansa.
Ito ay ang ika-50, 51 at ika-52 COVID cases sa Pilipinas.
Ayon sa Department of Health (DOH), nagpakalat na sila ng surveillance teams sa tulong ng mga Local Government Units (LGUs) para sa malawakang pangangalap ng impormasyon at contact tracing sa tatlong mga bagong kaso.
Kinumpirma din ng Department of Health (DOH) ang pagkamatay ng ika-35 pasyente na positibo sa COVID-19.
Ang unang mortality ay noon pang February 1, na isang Chinese.
Ang ikalawang fatality ay si ph35 o patient number 35 na nagpakita ng mga sintomas ng sakit noong February 29, at na-admit sa Manila Doctors Hospital noong March 5, 2020.
Ayon sa DOH mayroon itong dati nang karamdaman gaya ng hypertension at diabetes mellitus.
Kasamang na-admit ni ph35 ang kanyang mister na si ph34 na nanatiling naka-confine Manila Doctors Hospital.