Lampas apat na milyon na ang tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo.
Sa AFP tally base sa official sources, sumampa na sa 4,001,437 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa buong mundo kung saan 277,127 na ang namatay.
Ang Estados Unidos pa rin ang bansang may pinakamataas na kaso nito na nasa 1,305,544 kung saan 78,618 ang death cases.
Habang pumalo na sa 1,708,648 ang nagpositibo sa Europe, ang pinakaapektadong kontinente ng virus, na nakapagtala naman ng 155,074 death cases.
Facebook Comments