COVID-19 cases sa buong mundo, mahigit 17 milyon na

45

Mahigit 17 million na ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong mundo.


Batay sa tally ng Johns Hopkins University, pumalo na sa 17,039,160 ang nagpositibo sa virus, 667,218 ang mga nasawi habang higit 9.95 million ang nakarekober.

Nangunguna pa rin ang Estados Unidos sa pinakamaraming na-infect ng COVID-19 na mahigit 4.4 million at may death toll na 150,713.

Sumunod dito ang Brazil, India, Russia, South Africa, Mexico, Peru at Chile.

Nabatid na umabot na sa 188 bansa at rehiyon ang tinamaan ng COVID-19.

Facebook Comments