COVID-19 cases sa buong mundo, pumalo na sa 125 million!

Pumalo na sa 125,453,950 ang kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa buong mundo.

Batay sa tala ng global news agency na AFP, nasa 2,756,395 indibidwal na ang nasawi sa virus.

Pinakaapektado pa rin ang US kung saan nasa 546,822 ang naitalang namatay habang pumalo na ngayon sa 30,079,285 ang kanilang COVID-19 cases.


Sinundan ito ng Brazil na may 303,462 nasawi sa 12,320,169 kaso, Mexico na may 200,211 nasawi sa 2,214,542 cases.

Nasa ikatlo naman ang India na may 160,949 nasawi sa 11,846,652 cases, at United Kingdom na may 126,445 nasawi sa 4,319,128 cases.

Facebook Comments