COVID-19 cases sa buong mundo, sumampa na sa higit 2.8 million

Sumampa na sa mahigit 2.8 million ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Nangunguna pa rin ang Estados Unidos sa may pinakamataas na kaso ng virus na nasa 936,293.

Sa 202,000 global death toll, pinakamarami ay naitala rin sa U.S. na nasa 53,511.


Sunod na may pinakamaraming kaso ng COVID-19 ay ang Spain (223,759); Italy (195,351); France (161,639) at Germany (156,418).

Aabot naman sa 815,000 ang naka-recover sa sakit sa buong mundo.

Pinakamaraming bilang ng gumaling ay naitala sa Germany na nasa 109,800.

Samantala sa Pilipinas, umabot na sa 7, 294 ang nagpositibo sa Coronavirus Disease, 729 ang gumaling at 494 ang nasawi.

Facebook Comments