Nakapagtala ang World Health Organization ng 11% na pagtaas sa kaso ng COVID-19 sa buong mundo sa nakalipas na linggo dahil sa banta ng Omicron variant.
Katumbas ito ng limang milyong panibagong kaso sa loob lamang ng isang linggo.
Sa kabila nito, sinabi rin ng WHO na bumaba ng 4% ang naitatalang bagong COVID-19 related deaths sa buong mundo.
Dahil dito, nagbabala ang WHO na nananatiling “very high” ang panganib na dala ng Omicron variant.
Facebook Comments