COVID-19 cases sa Cebu at Lapu-Lapu, tumataas – OCTA

Napansin ng OCTA Research Group ang pagtaas ng bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa mga siyudad ng Cebu at Lapu-Lapu.

Sa monitoring report, ang reproduction number sa Cebu City ay nasa 1.37 habang 1.80 sa Lapu-Lapu.

Ang infection rate sa Lapu-Lapu ay ikinokonsiderang ‘very high.’


Ang National Capital Region (NCR) at Bacolod City ay nasa ‘low’ ang infection rates.

Itinuturing namang ‘high risk’ areas ang Davao City, Iloilo City, Baguio City, at Santa Rosa bilang ‘high risk’ areas.

Mataas din ang intensive care unit (ICU) utilization rates sa Davao City, Iloilo City at Santa Rosa.

Nasa “Moderate risk” areas naman ang NCR, Cebu City, Bacolod, Cagayan de Oro, General Santos at Lapu-Lapu.

Facebook Comments