Pumalo na sa mahigit 100 milyon ang COVID-19 cases sa Europe.
Ito ay mahigit one-third ng lahat ng kaso sa buong mundo mula nang pumutok ang pandemya.
Nito lang nakaraang mga buwan nang maging epicenter ulit ng pandemya ang Europa matapos na muling sumipa ang COVID-19 cases bunsod ng Omicron variant.
Nabatid na umabot na sa 288,279,803 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Sa 100,074,753 na kaso sa Europa, 4.9 million dito ang naitala lamang sa loob ng pitong araw.
Sa France pa lamang, mahigit isang milyong bagong kaso na ng COVID-19 ang naitala sa nakalipas na linggo.
Dahil dito, ang France ay ang ikaanim na bansa sa buong mundo na mayroong mahigit 10 milyong kaso ng COVID-19 kasama ang Estados Unidos, India, Brazil, Britain at Russia.
Facebook Comments