COVID-19 cases sa hanay ng PNP, nadagdagan ng 131

Sumampa na sa 32, 364 ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19.

Ito ay matapos na madagdagan ng 131 bagong kaso ngayong araw.

Sa datos ng Philippine National Police (PNP) Health Service, 1,959 na lamang ang aktibong kaso.


May 85 naman ang bagong gumaling sa sakit kaya nasa 30,314 na ang kabuuang bilang ng recoveries sa hanay ng PNP.

Habang 91 na ang nasawi dahil sa COVID-19 matapos na madagdagan ng dalawa ngayong araw.

Facebook Comments