COVID-19 cases sa ibang rehiyon sa bansa, tumaas

Nakitaan ng Department of Health (DOH) ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ilang rehiyon nang magsimula ang NCR Plus bubble.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, kabilang sa mga rehiyon na ito ang Region 1, 2, 3, 4A at Cordillera Administrative Region (CAR).

Aniya, apektado rin ng pagtaas ng kaso sa nasabing mga rehiyon ang kanilang health care utilization.


Matatandaang isinailalim sa dalawang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang National Capital Region at ilang karating probinsya dahil sa pagtaas ng kaso.

Sa ngayon, ibinaba na sa Modified ECQ ang quarantine status sa NCR Plus bubble.

Facebook Comments