Nananatiling mataas ang naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa ilang rehiyon sa bansa.
Batay sa datos ng OCTA Research team, bukod sa Metro Manila ay nakitaan din ng pagtaas ng kaso ang Isabela, Cagayan, at Benguet.
Umabot naman sa 158% ang growth rate mula Setyembre 15 hanggang 21 sa Isabela habang 29% sa Benguet.
Bagama’t nasa -1% ang growth rate ng Cagayan kabilang ang Isabela at Benguet, nasa critical level na rin ang kanilang hospital bed at ICU utilization rates, maging ang positivity rate.
Isa rin dito ang Batanes sa nakapagtala ng 48 bagong COVID-19 cases.
Facebook Comments