Sa datos na inilabas ng Isabela Provincial Information Office ngayong araw, Enero 26, 2022, tumaas pa lalo sa 2,618 ang kabuuang bilang ng aktibong kaso sa probinsya dahil sa naitalang panibagong kaso.
Nakapagtala rin ang Isabela ng 313 na bagong gumaling at anim (6) na namatay.
Dahil naman sa mga naitalang karagdagang nakarekober sa sakit, tumaas sa 61,418 ang total recoveries ng Isabela habang pumalo naman sa 2,155 ang total COVID-19 related deaths sa probinsya.
Sa kasalukuyan, umaabot na sa 66,191 ang total cumulative cases ng Isabela.
Samantala, pinakamarami pa rin ang active cases ng Santiago City na may 578, sunod ang Cauayan City na may 311 na nakapagtala ng 103 panibagong kaso at pumapangatlo ang bayan ng Angadanan na may 183 aktibong kaso.