COVID-19 cases sa lungsod ng Quezon, nadagdagan pa ng 218

Nadagdagan pa ng 218 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Mula sa 26,662 total validated cases na naitala noong Martes, pumalo na ito ngayon sa 26,880 kung saan 1,097 dito ang active cases.

Ayon sa OCTA Research, ang Reproduction Number ng QC ay umabot na sa 1.15 na mas mataas sa bilang ng National Capital Region (NCR) na 1.06 at ng buong Pilipinas na 0.96.


Dahil dito, naalarma ang LGU sa biglang pagtaas ng kaso ng COVID-19 bago pa man sumapit ang Pasko.

Kapag magpapatuloy ang ganitong trend, posible pang dumami ang infections sa mga susunod na araw.

Base sa datos ng Department of Health, nasa 6% na ngayon ang positivity rate ng Quezon City na may average na 80 cases kada araw mula December 7-13.

Sabi ni QC Mayor Joy Belmonte, nakita ang pagtaas mula ng pumasok ang buwan ng Disyembre.

Ayon naman kay QC Task Force on COVID-19 Head Joseph Juico, may mga pag-aaral nang ginagawa ang pamahalaang lokal para higit pang mapabuti ang mga paghahanda at mitigating efforts nito.

Facebook Comments