Nadagdagan pa ng 166 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.
Mula sa 26,496 total validated cases na naitala noong Martes, pumalo na ito ngayon sa 26,662; 1,005 dito ang active cases mula sa 939 noong Martes.
Ayon sa OCTA Research ang Reproduction Number o RO ng QC ay umabot na sa 1.15 na mas mataas sa bilang ng National Capital Region na 1.06 at ng buong Pilipinas na 0.96.
Dahil dito naalarma ang LGU sa biglang pagtaas ng kaso ng COVID-19 bago pa man sumapit ang pasko. Kapag magpapatuloy ang ganitong trend, posible pang dadami ang infections sa mga susunod na araw.
Base sa datos ng Department of Health (DOH), nasa 6% na ngayon ang positivity rate ng Quezon City na may average na 80 cases kada araw mula December 7-13.
Sabi ng alkalde, nakita ang pagtaas mula ng pumasok ang buwan ng Disyembre.
Ayon naman ni QC Task Force on COVID-19 Head Joseph Juico may mga pag-aaral nang ginagawa ang pamahalaang lokal para higit pang mapabuti ang mga paghahanda at mitigating efforts nito.